Ibitay si Justice……!!!

Hayup!!!

Nakakita din ng liwanag ang Korte Suprema!!!

So sino ang magsasabing korap ang Supreme Court??? Yung mga bilib sa tsismis at haka-haka tulad ni Justice Amelia Tolentino, sino pa???

Eh kung nag-aral ba naman ng mabuti ang butihing Huwes, sana naisip niya na hindi “guilty without reasonable doubt” sila Hubert Webb at mga kasama nitong nakulong sa bintang na pagpatay sa pamilya ni Lauro Vizconde!!

Ngayon pa lang sangkatutak na ang tsismis na nadale ng pera ang pitong Justice ng Korte Suprema!!! Medyo manipis nga ang bilang nila ha!!! Pito kontra apat kontra apat!!!

Pero linawin ko lang mga katoto!!! Hindi nagdesisyon ang Korte Suprema sa tanong na sila Hubert Webb ba ang may sala sa Vizconde Masacre!!! Ang desisyon ng Korte Suprema ay base sa tanong na “napatunayan ba ng prosekusyon ng walang bahid na duda na ang mga akusado ang may sala sa Vizconde Massacre?”

Magkaiba ho iyun mga amo kong magagaling!!! Dun sa una, trial proper question ho iyon!!! Guilty or not guilty ho iyon!!! Sa Korte Suprema ang basehan ay “tama ba ang ginawa ng mababang korte ng ipakulong nito sila Hubert Webb???” Dito, hindi na pinag-aralan kung ano ang pinagsasabi ni Jessica Alfaro!!! Dito tinignan lang si Jessica Alfaro ng Supreme Court at sinipat kung dapat bang gawing mas katiwatiwala ang pahayag niya bilang star witness sa kaso o hindi!!!

Ang masakit mga poging mahilig maniwala sa tsismis at haka-haka at ngayon ay nagwawala at kung ano-ano na ang pinagsasabi, kahit laya na sina Webb, ang laking bahid ng duda sa kalayaan nila dahil sa ginawang desisyon ni Tolentino!!! Diyan sa puntong yan panalo kayong mga sitsitero!!!

Pero kahit baligtad ang naging desisyon ng SC, ganun din naman ang resulta para sa mga kampi kina Webb. Hindi rin nila titigilan si Lauro Vizconde. Hindi rin matatahimik si Lauro sa tanong na “mga tamang tao ba talaga ang ipinakulong niya o nakalalaya ang tunay sa salarin???”

So, ang talagang dapat mabilibid dito ay yung nagbaba ng desisyon, si Justice Amelia Tolentino!!! Sa pagmamadali na matapos ang kaso, naubos na ang panahon at ebidensiya para matukoy pa ang mga totoong may sala sa Vizconde Massacre. Kaya sa aking sapantaha, ag dapat ibitay ay yung nagbaba ng unang desisyon!!!

Gets niyo mga bro??? Kuha ba???

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s