Category: Uncategorized


Pustahan tayo nabasa na ninyo yung title ko sa Facebook oh!!

Pag hindi pa, saang planeta ka kaya nagtatago o ipinatapon ng madrasta mo at wala kang kamalay-malay sa mundong ibabaw!

Pero, diba? Ang cute ng tumira nung statement, naisama niya sa isang sentence yung buong gimik ngayong linggo dito sa bansa natin.

Image

Isipin ninyo, si Lady Gaga dawalang araw nag-concert dito diba? Hindi pa dumadating, tumnira na yung mga konserbatibong simbahan at pulitiko ng rally at kung ano-ano pang protesta. Isipin mo, pati yung mga kaliwa na wala naman talagang lugar ang Diyos sa paniwala nila tumirada na rin.

Naintindihan ko yung mga magulang. Medyo conservative parents natin eh, so dehin pwede yung mga naked trysts (hihihi sobrang writer ang dating) tsaka mga rebel songs at satanic moves.

Okay na rin ako sa mga politiko. Bakit ba hindi eh malapit na eleksiyon, kailangan mukhang family man sila para makapambola ng boto ulit. O sige, okay na rin dahil marami talagang silang family, number one, two at three pa nga eh.

Yung simbahan din, ayos na ako. Satanic moves si Lady Gaga eh. Talagang angry ang arrive ng Church. Poder yata nila ang kontra satanista.

Pero yung mga kaliwa at rebelde hindi ko maintindihan! Ano ang pake ninyo sa concert. Eh diba poder ng mga burgis yang concert. Kayo nga trip ninyo yung tipong Bistro 70′s lang eh (buhay pa ba yun) bakit kayo humihirit kay Lady Gaga.

Tsaka anong religious immorality, kelan pa kayo nagka-diyos at alam ninyong sabihin ito? Stir din kayo eh ano?

Image

Anlaki ng istoryang ito hepe! Aba eh muntik ng matabunan si Boss Renato Corona. Lumutang pa naman siya sa Impeachment Court ni Martial Law kid JPE.

Kaso mas magaling sa drama itong isang to boy!

Bago ako humirit, latag ko lang ha, kampi ako sa kanya simula ng makita kong palpak ang Prosecution. Dehin ko type yung style ng mga Congressmen na nangingisda ng ebidensiya. Una bawal ito, pangalawa andaya nila at hindi sila handa.

Pero nung pumasok si King Crown na naka-wheelchair, biglang sirit sa utak ko yung mga style ni GMA.

Hanep, sabi ko sa aking mind! Lahat sila may baon na wheelchair! Ito pala yung anti-huli at kulong device na epektib. Makabili nga ng tatlo!!! Kaya lang, laos na yung style nila eh.

Kung ako yung scriptwriter ni Corona, at naisip ko rin lang naman na baka kailanganin ko ang drama ng wheelchair, sana hinimatay na lang ako sa witness stand. Dude, kung ako si King Crown, ipapalo ko pa ulo ko sa podium para may bloody epek.

Tignan ko lang kung makaporma ang lahat ng kalaban ko pag sinabi kong dehin ko na kaya at hospital bed na me!

Ayan, lumabas tuloy ang litid ni tandang JPE. Sa sobrang tuwa ng mga kakampi ni Noypipits (as in pipitsuging Ninoy si Noynoy) aba si Porky da Pig muntik sumayaw sa galak.

Buti na lang at napigil niya sarili niya. Muntik na siyang maging Senator Dancing Lady in an Impeachment Part 2.

Ayun, nawala lahat ng bilib ko kay King Crown, na ngayon eh mukhang King Clown na!

At solo na sana nila ang mga bilib sa sariling national newspapers who fear no one and have balanced views ng biglang natalo, natalo si Jesicca Soho, ay mali Sanchez pala, sa American Idol.

Image

Andaming nagagalit sa American Idol dahil yung dobleng menthol na yosi ang nanalo, si Philip Phillips (kamag-anank kaya ito ni Philip Morris?) Biro mo, dapat daw ibinoto si Jessica ng mga Kano at siya ang dapat na American Idol.

May isang ngongo pa na humirit na dapat daw ang buong mundo ay nakakaboto sa American Idol!

Hunghang ba kayo! Ngongo at retarded? Di ba ang title niya ay Amertican Idol? Eh di mga American ang boboto. Sana Earth Idol para kasali tayo. Kaso mo American Idol nga eh!

Tapos may engeng pa na nagtweet (uy may twitter na po ako hehehe) na Amerikano na naman ang nanalo. That American White Guy With Guitar sabi nila! Weh! Diba American Idol nga!!! Tanga daw mga Kano dahil hindi nakita yung galing ni Jessica Sanchez (di po kamag-anak ni Korina Sanchez.)

AMERICAN IDOL nga mga ewan!!!! I repeat da ulit – AMERICAN IDOL. Siyempre mananalo American figure. Eh may mas A-American pa ba sa mala-Elvis Presley na boses at pormang trucker na may gitara? Eh lahat nga ng iconic American figure cowboy na may gitara diba?

Oo nga, mas magaling si Jesica, pero ano beh!!! Aysus ginoo!!!

Yan, yan po ang pinagkaka-abalahan ng mga Pilipino. Lahat yan ay sakop sa isang linggo ng pag-ibig na walang hanggang mamatay ka na sana!!! Isang linggo na pasok sa mga katagang – “GAGA SI SANCHEZ HINDI INUWI YUNG CORONA!!!” WEHHHH!!!!!

 

 

Game Na!

Wehehehehe!!!

Akalain ninyong napaka-exciting noong nakaraang linggo sa mundo ng mga walang kuwenta!

Aba’y bakit kanyo?

Eh di tignan ninyo yung mga balita! Kayo naman!

Ito na siguro ang pinaka-showbiz sa lahat ng showbiz na balita sa bansang Pilipinas!

Tignan niyo chief, nung nakaraang weekend ng May 5 and 6 dalawang bugbugan ang nangyari!

Albie Casino c/o abs-cbn.com

Isang bar brawl sa isang sosyal na bar sa Makati, sa Fiamma. Parekoy mga ta-artits ang sangkot at walang humpay na ngakngakan at hambalusan ang naganap. Hanep sa cute daw sabi ng tropa na nakapanood. Eh si Andi Eigenmann ba naman at Albie Casino ang magbakbakan di ang cute nga ng eksena.

Tapos nung linggo, upakan na naman sa airport. Hanep sa alright din daw yung aksiyon kasi starring yung isang hari ng aksiyon sa pelikula na si Raymart Santiago at kalaban yung hari ng aksiyon sa dyaryo na si Mon Tulfo.

Bakbakan to the max dude! Sumali pa ang agaw eksenang si Claudine Baretto at mga tropa nila. Pinagtulungan si Tulfo, bugbog sarado ang martial arts king of police characters!

Kinabukasan, arangkada naman yung mga utol ng Tulfo. Inupakan, sa salita ha, sina Raymart at Claudine. Sinindak pa! Ingat daw at hindi pa tapos ang laban.

Ayun! Suspendido ang mga mokong! Sabi ng TV5 mali daw ang mag-u-utol na Tulfo kaya pinaupo muna kapalit nung tatlo yung Kuya na nabugbog. Weeehhh!!! May ganun!!!

Kasuhan na sa korte at kanya-kanya na ang tirahan. At sa fezzbuk (Facebook po) umupak na rin ang mga idols ng dalawang kampo. Sali nga daw si Miriam Santiago kila Raymart para tabla na apat sa apat ang bakbakan eh.

Kaya idol ko mga ito eh!

Eh sa Senado! Naku isa pang ewan dun!!! Akalain ninyong sa gitna ng bolahan eh humirit na si Corona na lilitaw siya para tumestigo para sa sarili niya.

Pero bago ang lahat, bitbitin muna ng Senado yung mga mokong sa Ombudsman at Malakanyang para maging testigo niya sa hearing.

Kita mo naman ano? Sabit na, magsasabit pa! Sige! Magsisabit kayong lahat diyan para mabawasan ang mga kolokoy sa paligid namin.

Eto pa! Yung mga Intsik, nagalit na rin! Pinagbawal ang mga saging natin. Siguro naisip nila na inuunggoy lang sila ni Noynoy. Pero sugod mga kapatid pa rin tayo sa embahada ng mga Intsik. Kaya hindi nabigyan ng visa si Jiggy Manicad para sa Beijing Auto Show eh!

Pero ang last but not the least ay itong si Vice President Jejomar “Rambotito” Binay. Aba, akalain ninyong sinidak yung ordinaryong motorista dahil nagmamadali daw siya!

Binangga nung itim na Fortuner na back-up vehicle niya yung sasakyan ng isang sibilyan na tumatabi na nga dahil sa counterflow ng convoy nila!!!

Akalain ninyong takot na nga yung tao na umiwas sa kanila, sila pa itong ma-angas dahil hind agad naka-iwas yung pobre. Eh ang kaso mo, wala ng lugar para umiwas yung pobreng driver dahil wala ng siya kalyeng iiwasan dahil trapik nga eh!!!

Tsaka VP, kayo yung counterflow eh!!! Para bang, di ba kayo yung dapat nakikiusap hindi yung baril ng mga badigolyo mo? Tsaka kami nagpapa-suweldo sa inyo eh, di ba dapat kami muna bago kayo.

Di bale, alam naman na namin kung papaano kami boboto sa 2016. At siguradong kahit pareho tayo ng kulay, hindi ikaw ang paborito ko. Baka si Manny na lang, hulaan mo na lang kung sinong Manny yun!!!

Ang sure sa sigurado, malamang hindi yung Manny-loloko!!!!

NA-BADING NA ANG MISS UNIVERSE

Image

Ay naku! Eto na nga ba ang sinasabi ng Free Spits eh! Sa sobrang liberal ng mundo ngayon, akalain ninyong pati mga bakla ay malamang na payagan na sumali sa Miss Universe!

Galing ang kasong ito sa Canada. Doon ay may isang Jenna Talackova na nanalo ng Miss Canada at siyang magiging pambato ng Canada sa Miss Universe Pageant.

Ang kaso niyo, tumalak ang Talackova na hindi pala siya babae nung ipinanganak. Dati pala siyang lalake at naging seksi lang matapos ang isang sex change operation.

Image

Nagkagulo na ang mundo ng alisin ang korona sa kanya at magsampa siya ng kaso laban sa organizers ng Miss Universe sa Canada. Ipinaglalaban daw niya ang karapatan niya!

Eh ano namang karapatan iyon? May problema na nga ang mga bakla sa mundo dahil maraming nahihirapang tanggapin sila, hihirit pa itong si Talackova ng galaw na lalong sisira sa pinaghirapan ng iba niyang kabaro.

Wala po akong problema sa mga bakla. Marami akong kaibigang bakla at tomboy. Masaya sila kasama at nalalapitan ko pa sila sa mga panahon ng dusa at paghihirap. Totoo po iyan!

Pero Miss Talackova, kaya nga tinawag na Miss Universe eh! Para sa mga babae ito! Hindi po tayo kasali dito!

Tanong ko po. Puwede ba sumali ang mga lalaki sa Miss Universe? Hindi di ba? Puwede din ba sumali ang mga babae sa Mr. Universe? Lalong hindi di ba?

Ngayon, kung biglang sumali si Janine Tugonon sa Miss Gay Pageant, di kaya ma-inis kayo pag siya yung nanalo dahil babae nga siya eh!

Itaguyod na lang sana ni Talackova ang Gay Movement, at dun sa mga kumakampi sa kanya, tulungan ninyo ang Gay Society na umurong paharap, hindi paurong.

Dahil tapos na ang panahon na nagpapanggap na babae ang Gays. Ngayon, sa obserbasyon ng Free Spits, ang hinahabol ng Gay Community ay recognition na sila ay dapat tanggapin at irespeto bilang sila, hindi bilang lalake o babae, kundi bilang sila.

Anak ng tipaklong na bali ang paa!

Akalain mong sa dinami-dami ng problema nga Pilipino, ang tinututukan ng pansin ngayon ay si Jessica Sanchez sa American Idol!!

Naknampusit naman oh! Ano ba ang pakialam natin sa mga Amerikano at mga Idol nila??? Kikita ba tayo diyan??? Magkakaroon ba tayo ng warship panlaban sa mga Intsik kung manalo tayo diyan??? May pambaril ba tayo ng susunod na missile na paliliparin ng North Korea na malamang bumagsak ulit anyway????

My golly by wow!!! Akalain ninyo, nung na-echa-puwera si J-Sanch at si-nave nila J-Lo, Steven at Randy biglang nag-may-I-cry ang mga Noypits.

Meron daw conspiracy, parang Watergate scandal ang dating!!!

Plinano daw yung elimination ni J-Sanch para magka-drama sa American Idol!!!

At dahil daw ito sa Pinay si J-Sanch!!! Discrimination daw ito!!!

Wadapak!!! Anong discrimination??? E di sana hindi na rin tumagal yung mga Negro at Intsik!!!

Yung mga Amerikano daw pinagtutulungan para manalo yung kapwa nila Kano!!!

Sanamagan!!!! Siyempre!!! American Idol nga eh!!! Ano beh!!! Sana Pinoy Idol para puwede magreklamo tayo!!!

Eh gumawa nga dito ng Philippine Idol di ba??? Sa Channel 5 o TV5 di ba??? Giniba ng Channel 2 at Channel 7 diba????

So whats your problem Meng??? Gusto natin yung gusto natin masunod sa gusto ng mga Kano??? Eh di sakupin natin ang Amerika diba????

Puro tayo talaga ngongo!!!

Ganito, buksan natin yung internet, punta tayo dun sa web site na puwede tayo bumoto, tapos bumoto tayo. Malamang manalo si J-Sanch dito.

Puro tayo ewan!!!

 

NATIONAL DEFENSE HA!!!

Hayup din naman ano!

Kung maka-asta tayo akala mo kaya natin ano!

No-Fly zone daw pag lumipad yung missile ng North Korea.

Tapos pinalagan yung warship ng China sa Spratly’s.

Akala mo superpower kung makaporma ano?

Sinisindak pa natin yung mga Koreano at Intsik na parang matatakot sila sa asta natin!

Eh nagdeklara nga tayo ng no-fly zone, ano naman ang gagamitin natin pag dumaan yung missile sa airpsace natin, tirador.

Super-Tirador sinlaki ng poste ng Meralco!!!

O kaya sumpit. Super-Sumpit sinlaki ng tubo ng La Mesa Dam!!!

Tapos, pinalagan natin yung warship ng Intsik sa Spratly’s. Bilib ako sa tapang nung Commander ng Barko ng Pinas. Pero yun ang tinatawag na puro tapang.

Dahil pag biglang inupaka sila nung warship, siguradong pulbos yung battleship natin.

Ang masakit nito, ni hindi natin kaya giyerahin ang mga Abu Sayyaf sa Mindanao, yung pang China na ihi lang ang katapat sa atin ang balak natin banggain.

Eh para tayong ipis na pumalag sa kabayo!

Wala tayong bala, wala tayong baril, wala tayong kanyon, wala tayong barko, wala tayong eroplano!!!

Tapos kahit sa suntukan wala tayong laban! Kasi bansa ng Tae Kwon Do at Kung Fu yung tinatalo natin!

Sabi ng pinsan ko tutulong naman daw ang mga Kano!

Oo nga, para sila uliot ang hari dito. Eh di sana hindi na natin sila pinaalis.

Hirap ng puro yabang kasi.

National Defense! Eh self defense nga wala tayo eh!!! Baka ibig nila sabihin yung Triangle Defense ng Chicago Bulls!!!

Eto yung itsura ng kalaban natin! 

YARE ANG PUNONG BAGUIO

Image

Wow repapips!

Nadinig ninyo yung balita? Wala na yung puno sa Luneta Hills!

Weh! Luneta Hills sa Baguio o Gyobags, hindi Luneta Park! Ano Beh!

idedebelop daw kasi ng SM yung lugar. Shoe Mart po hindi Samahang Masiba! Kung sabagay medyo masiba nga ang dating nila! hehehe!

Naku, eh hindi ba panahon pa ni Mahoma, Pine Trees na yun? Fine Trees na sila ngayon, pang-kahoy sa apoy sa malamig na Gyobags.

Kaso mo, dehin na malamig sa Gyobags. Wala na yung mga Fine Trees eh!

Hulaan ninyo kung sino ang may pakana ng SM sa Gyobags. SHOE MART nga hindi Samahang Masiba!

Eh di yung pinuno ng Samahang Masiba sa Gyobags, yung Mayor at Congressman nila. Sa magkanong dahilan naman kaya naayos yung debelopment na yun?

Ang masaya dyan, yung mga Ibaloi ng Gyobags dehin nakaporma. Ilang taong dakdakan, walang pinuntahan. Sabi nga ng mga Igorot “buti pa yung dinakdakan may utak, yung dakdakan wala!”

Hindi ninyo alam ang dinakdakan? Bumisita kayo sa Norte para matikman ninyo! 

So ngayon wala na yung mga ancient puno sa Gyobags. Susubnod na rin yung ibang ancient puno. Tapos ancient lupa ang susunod, tapos ancient tao, tapos ancient bundok.

Ang papalit sigurado modern mall, tapos modern condo, tapos modern buildings, tapos modern tao, tapos modern kotse, tapos modern basura.

Tapos magkakaroon ng strong lindol, biglang merong strong guho, susundan ng plenty naipit sa guhong building, tsaka ang nakakatakot na plenty dead.

O diba? Fun ang Gyobags? Development in the Philippines It’s more Fun! Disaster in the Philippines There’s more Dead!

Yan ang election promise – Ipasesemento ko ang kalye ninyo, ipasesemento ko ang bahay ninyo, ipasesemento ko ang building ninyo, ipasesemento ko ang puno ninyo, nakasemento ang mukha ko – kapal eh!

Wala nang atrasan sa implementasyon ng outsourcing program ng Philippine Airlines (PAL).
Ito ang mariing pahayag ni PAL president and COO Jaime Bautista matapos tanggihan ang alok ng mga tiwalag na empleyado ng PAL na bumalik sa dating trabaho kapalit ng pagpigil sa outsourcing program ng kumpanya.
Ayon kay Bautista, unti-unting nang nanunumbalik sa normal ang operasyon ng pambansang flag carrier sa tulong ng mga service providers at mga volunteers na nagmamahal sa airline.
Lumilipad ang PAL sa lahat ng major international at domestic destinations nito tulad ng US, Japan. Korea at maging Cebu, Davao at iba pa.
Aniya, walang karapatan ang mga tiwalag na manggagawa ng PAL ground handling, catering at call center units na pilitin ang management na tanggapin silang muli at magpataw ng kondisyon sa kumpanya.
Dagdag pa ni Bautista, ‘di makatarungan sa mga volunteers at service providers na tumiyak sa paglipad ng PAL sa loob ng ilang araw na malagay sila sa panganib at harassment kung muling ibabalik ang mga tinanggal na manggagawa.
Matatandaan na ilan sa mga empleyadong sumali sa biglaang tigil-trabaho noong Setyembre 27 ang sumira sa mga ground equipment ng PAL. “May ‘clear and present danger’ o panganib na gawin nila ito muli upang lalong maparalisa ang airline,” ani Bautista.
Maaari lamang mabalik ang mga naturang empleyado kung aatasan ng hukuman ang PAL na muli silang tanggapin. Ngunit ayon kay Bautista, wala naman umanong ganong kautusan na natatanggap ang PAL mula sa anumang hukuman.
Muling humingi ng pang-unawa si Bautista mula sa mga pasahero ng PAL habang inaayos ang operasyon ng airline.

Ang Bangkok!! Bow!!

Parang Pasig River sa tabi ng Rockwell pero mas malinis ng di hamak.

Ibang klase talaga dito sa Thailand!! Hayup!!! Ang tindi!!! Kahit ilang beses ako magpabalik-balik dito sa Bangkok, lagi akong nagugulat sa pagbabago na bumubulaga sa akin.

 

Nandito ako ngayon sa bayan ng mga mala-uod ang sulat dahil inimbita ako ng Ford Group Philippines para sa pagpasinaya ng bago nilang Ford Ranger. Ang lalim nun ah, pasinaya! Sige, launcghing ng 2011 Ford Ranger na lang. Isasabay yung launch sa taunang Bangkok Motor Show.

Ang Bangkok Motor Show ay ang katapat ng Tokyo Motor Show dito sa Asya. Sa Tokyo, mga Hapon ang bida! Medyo mahirap yata yun ngayon dahil sa katatapos na tsunami at lindol at radiation crisis, eh ngayon taon ang TMS (Tokyo Motor Show yun kuya!!!)

Dito sa Bangkok, maliban sa mga Thai, mga Amerikano at Europeans ang bida. Ito ang tinatawag na Asian Theater ng mga western made na kotse at sasakyan.

Nakakalungkot, kasi may 6 na dekada lang ang nakakaraan, ang Pilipinas ang tinutukoy na western theater pagdating sa komersyo. Ngayon inagaw na ito ng Japan, Tsina, at itong Thailand. Noong 1960′s, ang Pilipinas ang unang bansa sa Asya ang nagkaroon ng tunay na katauhan ng industriyang pangsasakyan, pabrika, dealer, assembly plant.

Ngayon, yung mga pabrika at assembly plant nandito pa naman, pero yun pa rin ang sukat niya. Yung mas malalaking planta nandito na sa Thailand. Hayup no? Tayo nauna pero tayo ngayon ang kulelat!

Bakit kaya? Ang tawag yata dun ay self-respect and pride in the nation, sa tagalog may respeto tayo sa sarili natin at pinagmamalaki natin ang bansa natin. Pagpasok mo pa lang sa airport ng Bangkok, sasalubungin ka ng mga Thai na nagsasalita ng wika nila.

Hinde Pedro, hindi ingles, wika yun ng mga Kano! Bahasa or Thai ang bati sa iyo. Para sa kanila, dahil nandito ka sa bansa nila, kultura nila ang mangunguna. Tayo? Hindi na nga marunong mag-inglis pinipilit pa!!! Hospitality daw sabi ng mga ungas!!! Oo, kaya yung mga anak natin hospitality girls!!!

Mataas din ang respeto at pagmamahal ng mga Thai sa hari nilang si Bhumibol. Hindi perpekto si Bhumibol, marami din siyang nagin mali, pero nangunguna ang pagmamahal at respeto ng kanyang tao sa kanya kaya pilit niyang nagsisilbi ng mahusay. Hari na yan ha, hindi Congressman at Senador at Governor at Secretary na psuweldo natin. Sa Thailand, ang hari ang may-ari ng buong bansa, pati yata tao dun.

At higit sa lahat, umuusad ang tao dito. Dati AIDS capital ng mundo ang Bangkok, ngayon wala ng AIDS dito. Dati mas masahol pa ang trapik dito kesa sa Maynila, ngayon sobrang ang ganda ng road network nila. Noong araw marami ding kawatan sa Bangkok, ngayon maiwan mo kahit ano sa taxi o mall o bus o airport, isosoli sa iyo, hindi mo hahanapin, ikaw ang hahanapin  para isoli sa iyo, nung araw yari ka sa lagay kahit saan dito, ngayon binibitay ang humihingi ng lagay.

Magulo din naman dito sa Thailand. Pag naginarte ang mga heneral dito, biglang coup d’etat (kudeta) na umaatikabo. Hati ang mga sundalo at magbabakbakan sa lansangan. Pero pag humirit na ang hari, tigil lahat, uwi sa barracks ang mga sundalo at tigil ang alitan ng mga heneral.

Kamukha natin ang may native Thai. IIsa ang pinanggalingan nating gene pool. Kung susuriin mo nga ang history natin makikita mo na yung mga sinaunang sulat at salita natin ay halos katulad ng mga taga-rito. Ang mga ritwal, pamahiin at paniniwala ay halos iisa.

Kaya lang, sila walang sumakop, ang Pilipinas dumaan ng 300 taon sa seminaryo, 50 taon sa hollywood, 5 taon sa kempetai, halos buong buhay na naimpluwensiya ni Confucious at ngayon ay patuloy na ginagaya ang hip-hop, rap, rakenrol at Koreanovela.

Tama na naiinis na naman ako kasi!!!!

Basta nandito ako sa Bangkok, kasama ang mga motoring journalist ng Pilipinas, para makita ang pag-lulunsad ng bagong Ford Ranger at makakita ng mga bagon kotse na ilalabas sa buong Asya ngayong 2011 at 2012.

Sige na, sisilipin ko na lang yung mga Floating Restaurant sa Chao Praya River, yung ilog na parang Pasig River lang pero mas maganda kasi hindi ebak ang laman!!!

Paminsan-minsan may mga liwanag na biglang tumatagos sa akala natin ay wala ng katapusang kulimlim na bumabalot sa ating buhay. Minsan, lumulusot ang liwanag mula sa hindi natin inaasahang sulok ng madilim na langit. Minsan dumadating ito sa panahon na akala natin ay wala ng pa-asa at kailangan na nating tanggapin ang katotohanan na sa sandaling iyon ay ang kadiliman ang maghahari.

SI Heidi Mendoza ay isa sa tulad na liwanag na iyon. Hindi siya maganda kung itataya sa nakasanayan nating pagtala ng kagandahan. Hindi siya matangkad, hindi siya mestisa, hindi siya balingkinitan, wala kay Heidi Mendoza ang lahat ng hinahanap natin sa isang super model.

Pero nung araw na nagsasalita si Heidi Mendoza sa Batasang Pambansa, mata-sa-mata na tinitignan ang mga nakakatakot at makapangyarihang mga heneral ng militar, prangkang sinasagot ang tanong ng ilang kongresistang medyo taliwas ang hirit (baka dahil kumita din kay Garcia), matapang na isinubo ang sarili at pamilya sa ngipin ng alanganin para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino, noong araw at oras na iyon, si Heidi Mendoza ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa para sa akin.

Sa tagal ko sa trabahong mamamahayag, marami na akong nakitang mga whistleblowers o state witness o resource person na nagbunyag din ng mga anomalya sa pamahalaan. Nandiyan si Chavit Singson, si Rosebud, si Jun Lozano, at sangkatutak pang iba. Pero sa mga personalidad na binanggit ko at iba pang tulad nila, hindi ko naramdaman ang sinseridad at dedikasyon na ipinakita ni Heidi Mendoza. Para bagang may ibang pakay sa likod ng kanilang mga isinisiwalat ang mga naunang mga witness. Tsaka lahat sila ay may koneksiyon sa mga taong inilalaglag nila.

Si Heidi Mendoza ay isang accountant. Auditor siya ng Commission on Audit ng pamahalaan ng simulan niya ang imbestigasyon kay General Carlos Garcia, ang heneral na may asawang mayabang pa sa kalan na maingay kaya nagkanda-sabit-sabit ang buo niyang pamilya. Ganyan daw ang mga asawa ng mga militar na galing sa sobrang hirap, pag nakaranas ng ginhawa nagiging gahaman at mayabang (sa totoo lang, marami din akong karanasan sa mga spouses incorporated na yan.)

Pero sa ibang kuwentuhan na na muna yan, at magbalik tayo sa napakagandang si Heidi Mendoza.

Sa imbestigasyon ni Heidi Mendoza, kung saan-saan siya dinala ng impormasyon na nakukuha niya. Kung ano-anong anomalya pa ang bumubulwak sa tuwing meron siyang detalyeng nahahawakan. Palalim ng palalim ang misteryong hinahanapan niya ng kalutasan. Imbes na maging malinaw, lalong nagiging maburak ang resulta ng kanyang imbestigasyon. Ang bawat sagot ay naglilikha ng sampu pang bagong katanungan.

Sa aking karanasan, kung ordinaryong auditor si Heidi Mendoza, hindi na ito lalayo pa, tatapusin niya ang imbestigasyon sa kahon na sakop lang ng kanyang mandato. Hindi na niya hahanapin pa ang sagot sa madidilim na katanungang kanyang nahuhukay sa bawat hakbang niya sa kasong hawak-hawak. Ilalagay niya ang sarili sa ligtas na lugar at sasabihin sa sariling iyon lang ang trabaho niya at tinupad niya ang kanyang tungkulin ayon sa utos sa kanya. Yan ay kung ordinaryong auditor si Heidi Mendoza.

Pero hindi ordinaryong auditor si Heidi Mendoza. Hindi rin siya ordinaryong empleyado ng pamahalaan. Si Heidi Mendoza ay matagumpay na nakapasok sa isang organisasyon na hindi madali magbigay ng trabaho. Isa siyang accountant sa Asian Development Bank matapos ang kanyang trabaho sa COA. Doon ay nakabalot siya ng seguridad na hindi siya puwedeng pilitin ng kahit anong sangay ng pamahalaan na magsalita pa. Maganda ang suweldo niya, siguro may pabahay pa siya at paaral ng mga anak niya, kung katulad siya ng ibang kilala ko na nagtatrabaho sa ADB.

Pero hindi ordinaryong auditor si Heidi Mendoza. Dahil pinili pa niyang bitawan ang trabaho at seguridad sa ADB. Pinili niyang lusubin ang kuko ng panganib ng harapan, kahit na malagay sa balad ng alanganin ang kanyang buhay at buhay ng kanyang pamilya, dahil ito ang tamang gawin.

Halos himatayin si Heidi Mendoza sa pagmamakaawa na siguruhin ang kanyang kaligtasan noong nasa Kongreso siya.. Na ipangako ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Dahil nagdesisiyon na siya sa daang kanyang tatahakin, hinihingi niya sa mga ibinoto nating mga kongresista na sana naman ay maibigay ang seguridad na kanyang hinihiling.

Pero ngisi at tawanan ang nakikita ko sa mga naka-amerikana at barong na mga tao sa paligid ni Heidi Mendoza habang iniiyak niya ang nakakalungkot at nakakatakot na panawagan niyang iyon. Nagbubulungan at parang walang kawawang umiiyak sa harap nila ang mga kagalang-galang na Congressman na dapat ay gumagawa ng paraan para pakinggan at ayusin ang problemang inilalatag ni Heidi Mendoza.

Nakakatakot ang eksenang iyon na pinapanood ko lang sa telebisyon. Sa isang banda ay naroon ang matapang na mamamayang si Heidi Mendoza, handang isaksripisyo ang sarili para sa kapakanan ng bayan. Wala siyang mapapala sa ginagawa niya, si Heidi Mendoza, mapapahamak pa nga siya at ang pamilya niya. Pero sige pa rin siya, parang tren na tumatahak sa riles ng kanyang kapalaran si Heidi Mendoza.

Sa kabilang bahagi naman ay isang grupo ng mga, sabi nila pag hinihingi ang boto natin, tagapagtanggol ng mamamayan, nagtatawanan, nagbubulungan, naghihintay ng panahon nilang maagaw ang eksena sa camera para sumikat at masiguro ulit ang boto natin. Yung iba, basta na lang sumisingit ng walang dahilan, matutukan lang ng camera, “point of order” ang laging sinasambit kahit ang hirit ay out of order. Sila yung nag-iimbestiga. 20 taon ko na silang pinapanood mag-imbistiga, hanggang ngayon yung pa rin ang ginagawa nila.

At sa ikatlong bahagi ay ang mga heneral at opisyal ng militar na nagbabadyang mapahamak kung pakikinggan ng maayos si Heidi Mendoza ng mga “tagapagtanggol daw ng mamamayan.” Seryoso ang mukha, tinititigan si Heidi Mendoza, wari bang sinasabing “magitigil ka na Heidi Mendoza, makuha ka sa tingin, kami ang may baril at tauhang baliw! Binabalaan ka namin!!”

Pero tuloy pa rin ang Heidi Mendoza. Isinabit na ang buong militar, dalawang bangko, ilang heneral at pati ang kredibilidad ng Ombudsman. Pikon na pikon ang Mercededitas Gutierrez, wala daw kasong tatayo sa nakuhang ebidensiya ni Heidi Mendoza, wala daw saysay ang tsekeng may 200 milyon na ipinalipat ni General Garcia sa sarili niya. Hindi daw kataka-taka na nakakuha sila ng mahigit isandaang milyon sa heneral na ang suweldo bawat buwan ay wala pang apatnapung libong piso. Basta sabi ni Ombudsman, mahina ang kaso nila kaya bilang representative ng Filipino people, plea bargain na lang tayo at laya ni si General “Kickback” Garcia.

Hindi pa rin natinag ang bayaning si Heidi Mendoza, patuloy niyang inilahad ang patong-patong na anomalyang nahukay niya. Dollars mula sa UN at Amerika na idinadaan sa clearing house para kumita sa interes, mga lagay mula sa contractor na nagbebenta ng mga baril at bala na meron akong ibinalitang hindi pumuputok sa battle field tulad ng mortar at tank shells (naalala ko bigla ito dahil gumawa ako ng istorya tungkol dito sa Basilan.)

Ang tapang ni Heidi Mendoza. Habang pinapanood ko siya ay sinasabi ko sa sarili ko na napakasuwerte ng pamilya ni Heidi Mendoza. Pero naisip ko din, napakasuwerte ng mamamayang Pilipino, dahil may tumayong Heidi Mendoza para ipaglaban ang karapatan ng mamamayang Pilipino.

Ganyan ang ipinakita nila Jose Rizal, Andres Bonifacio at ng tatay ng pangulo nating panggulo na si Ninoy Aquino. Ngayon mga kapatid ko, nasa kamay natin ang magiging bunga ng sinimulan ni Heidi Mendoza. Tulad ng ginawa natin noong 1986 dahil sa sinimulan ni Ninoy Aquino, at may mahigit isandaang taon na ang nakakaraan sa sinimulan nina Rizal at Bonifacio. Tinatawag muli tayo ng tadhana. Ang ilaw ay pinasingit na ng langit para bigyan tayo ng liwanag.

Ang ilaw na yan ay si Heidi Mendoza, ang pinakamagandang babae sa balat ng COA, at para sa akin ngayon, sa balat ng lupang hinirang, ang Pilipinas.

Ibitay si Justice……!!!

Hayup!!!

Nakakita din ng liwanag ang Korte Suprema!!!

So sino ang magsasabing korap ang Supreme Court??? Yung mga bilib sa tsismis at haka-haka tulad ni Justice Amelia Tolentino, sino pa???

Eh kung nag-aral ba naman ng mabuti ang butihing Huwes, sana naisip niya na hindi “guilty without reasonable doubt” sila Hubert Webb at mga kasama nitong nakulong sa bintang na pagpatay sa pamilya ni Lauro Vizconde!!

Ngayon pa lang sangkatutak na ang tsismis na nadale ng pera ang pitong Justice ng Korte Suprema!!! Medyo manipis nga ang bilang nila ha!!! Pito kontra apat kontra apat!!!

Pero linawin ko lang mga katoto!!! Hindi nagdesisyon ang Korte Suprema sa tanong na sila Hubert Webb ba ang may sala sa Vizconde Masacre!!! Ang desisyon ng Korte Suprema ay base sa tanong na “napatunayan ba ng prosekusyon ng walang bahid na duda na ang mga akusado ang may sala sa Vizconde Massacre?”

Magkaiba ho iyun mga amo kong magagaling!!! Dun sa una, trial proper question ho iyon!!! Guilty or not guilty ho iyon!!! Sa Korte Suprema ang basehan ay “tama ba ang ginawa ng mababang korte ng ipakulong nito sila Hubert Webb???” Dito, hindi na pinag-aralan kung ano ang pinagsasabi ni Jessica Alfaro!!! Dito tinignan lang si Jessica Alfaro ng Supreme Court at sinipat kung dapat bang gawing mas katiwatiwala ang pahayag niya bilang star witness sa kaso o hindi!!!

Ang masakit mga poging mahilig maniwala sa tsismis at haka-haka at ngayon ay nagwawala at kung ano-ano na ang pinagsasabi, kahit laya na sina Webb, ang laking bahid ng duda sa kalayaan nila dahil sa ginawang desisyon ni Tolentino!!! Diyan sa puntong yan panalo kayong mga sitsitero!!!

Pero kahit baligtad ang naging desisyon ng SC, ganun din naman ang resulta para sa mga kampi kina Webb. Hindi rin nila titigilan si Lauro Vizconde. Hindi rin matatahimik si Lauro sa tanong na “mga tamang tao ba talaga ang ipinakulong niya o nakalalaya ang tunay sa salarin???”

So, ang talagang dapat mabilibid dito ay yung nagbaba ng desisyon, si Justice Amelia Tolentino!!! Sa pagmamadali na matapos ang kaso, naubos na ang panahon at ebidensiya para matukoy pa ang mga totoong may sala sa Vizconde Massacre. Kaya sa aking sapantaha, ag dapat ibitay ay yung nagbaba ng unang desisyon!!!

Gets niyo mga bro??? Kuha ba???

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 5,092 other followers