Anak ng tipaklong naman sis!
Sa lahat naman ng posing, ito pa ang naisipan mong gawin!
Ayan, lahat tuloy ng Katoliko at Kristiyano sa buong bansa inuupakan ka.
Sino ba naman kasi ang nagsabi na maglambitin ka diyan sa Krus ni Hesus!
At Biyernes Santo mo pa napili gawin ito! Sana hinintay mo na lang dumating yung concert ng LMFAO, baka na-discover ka pa ng mga talent managers.
Ngayon lahat ng miyembro ng Catholic Women’s League, Simbahan, pati yung mga walang diyos pinagpipiyestahan ka. Para kang pulutan na pinapapak sa Facebook. Hehehehe, pati yung mga news orgs (orgs as in organization hindi po orcs) headline ka na ngayon.
Kasi bakit pa kita nakita sa album ni Maike Domingo eh. Ka-chat ko nga si Maike. Sabi niya, okay na rin angkinin ng iba yung photos niya, kasi sobrang upak na ang inaabot eh. Tsamba lang daw yung mga kuha niya sabi ni Maike!
Pero teka, may tsamba ba na ang kasama mo kumukuha ay mga photography legends tulad nina Luis Liwanag at Joe Torres. Inarbor ko nga yung ibang kuha mo Maike, dahil sobrang galing ng pichurs mo eh!
Tsaka isipin mo, kung hindi mo pi-nost itong photos na ito, hindi malalaman ng simbahan na nilalapastangan na pala sila ng mga kabataan! (Teka, hindi alam ito ng simbahan? Ows? Di nga? Di nila alam na nilalapastangan sila?)
Tsaka Maike, ang galing mo talaga! Biruin mo, yung kuha nung chiching na nagpapa-kyut sa krus huling-huling mo ang moment! Talagang moment na moment yung tsiks!
Pero kidding aside ha, mahusay ka Maike gumamit ng camera. Yung ibang pictures mo huli yung emotion at intensity ng pasyon ng Pilipino tuwing Holy Week. Ramdam sa puso at isip ang hirap nila para mapatawad ng Diyos!
Tama na seryoso.
Kasi napabaling ang mata ko dun sa iba pang litrato ng iba pang nag-posing sa krus.
Meron pang foreigner, tsaka ibang bata, tsaka may isip na matanda. Lahat sila asta party ha!
Para bang, sa gitna ng pagdurusa, meron pa ring walang pake ano?
Insensitivity amidst fanaticism, sabi ko nga.
Pero dahil okay ang pichu-pichur doon sa Krus, halatang obvious na ginawa itong tourist attraction ng Angeles City ano?
Hindi daw sabi ng Angeles City. Sabi sa statement nila na dinukot ko sa wall ni Stanley Palisada ng ABS-CBN - ”The act of some tourists who posed from the cross was not countenanced nor condoned by the Tourism Office or the Brgy Council of Lourdes North West. Every tourist should respect the solemnity of the Holy Week. The intention of the Good Friday program was to make the people remember the deeds, sacrifices, and death of Jesus Christ”
Ah Tagalog?
Wala daw sila pakialam sa ginagawa ng mga turista! Eh pake nila kung mag-posing dun mga dayo, di naman nila sinabing puwede eh. Di din nila sinabing bawal noh!
Anyways highways, tapos na ang the end. Pegul na yung tsiks na naka-shorts na malamang eh idemanda ng St. Theresa’s College sa Visayas dahil sa pag-post ng pichur niya sa Facebook at baka hindi na siya mag-gradweyt sa STC (teka taga-STC ka nga ba chika-babe?)
Nagalit na ang mga relihiyoso na laging naka-luhod dahil kasalanan daw ang nangyari (parang sila walang kasalana)! Ngumawngaw na ang mga Pari dahil sacrilege daw (eh yung rape kaya father?) At naghugas kamay na ang Angeles City!
Sabi sa inyo kasalanan natin ito kasi pinatulan pa natin yung pichur ni chika-babe eh. Sana hindi ko na lang pinansin si Maike Domingo kahit na mahusay na litratista siya.
Next time Maike sali ka sa photoshoot ng magazine kong Power Wheels ha! Kotse ang kinukunan dun parekoy!
Pag may masama pa sa litrato ng kotse ewan ko na sa mga kulot ninyong buhok na nakatago!








